Huwebes, Oktubre 11, 2012

Pamumuwesto



Ilog ng Baptismo
Paniniwala ng mga deboto:
            Sinasabi na ito daw ang “Ilog Jordan” ng bagong Jerusalem sa bundok Banahaw. Pinaniniwalaan ng mga deboto na kapag ikaw daw ay naligo sa nasabing ilog, ay malilinis ang iyong espiritu. Ito rin ang unang lugar sa pagsisimula ng pamumuwesto.
Paniniwala natin:
            Ang ilog Jordan ang lugar kung saan nagsimula ang paglalakbay at baptismo ni Hesu Kristo.
Tarangkahan ng Jerusalem
   Paniniwala ng mga deboto:   
            Ito ang pasukan sa bagong Jerusalem sa bundok Banahaw.
 Paniniwala natin:
            May 2 tarangkahan ayon sa kasaysayan ang dating lugar ng Jerusalem.
Libro ng Buhay
Paniniwala ng mga deboto:
            Isang malaking bato na hugis libro ayon sa mga deboto. Sinasabi na kapag naiukit ang iyong pangalan sa nasabing bato, ikaw daw ay maliligtas o makakapasok sa langit.
Paniniwala natin:
            Ang libro nang buhay ay hawak ni San Pedro at hindi tayo ang nagsusulat ng ating pangalan sa libro.
Kweba/Husgado
Paniniwala ng mga deboto:
            Pinaniniwalaan na kapag pumasok ka dito at lumabas ng walang kahit anong galos o sugat, ay mapapatawad ang 7 taon ng iyong mga kasalanan. Sinasabi rin na hindi ka raw dito makakalabas kung walang pananampalataya sa Diyos.
Paniniwala natin:
            Hindi napapatawad ng mga ganitong gawain ang ating mga kasalanan.

Krus/Pagpako sa Krus
Paniniwala ng mga deboto:
             Ang paniniwala dito ay ito ang krus kung saan napako at nagdusa si Hesu Kristo.
Paniniwala natin:



             Nasira na ang krus kung saan pinako si Hesu Kristo.

Dalawang magkaibang paniniwala
           Pinapakita ng mga iba’tibang paniniwala na ito na kahit na may pagkakaiba sa mga paniniwala ay may mga pagkakapareho. Kahit na iba ang turing natin sa paniniwala na isa’t isa ay dapat na matutunan natin ang pag-galang hindi lamang sa bawat isa ,kung hindi pati rin sa mga tradisyon ng magkaibang paniniwala. Sa paraang ito ay magiging mapayapa ang pakikisalimuha natin sa bawat isa.

 Ano ang paniniwala ng mga taga-roon o ng simbahan tungkol sa bundok Banahaw
          Ang pinakapaniniwala ng mga tagaroon ay may mga anghel na nilipat ang Jerusalem sa bundok Banahaw. Ayon din sa mga nakatira ay may iba’t ibang sagradong “puwesto” sa bundok Banahaw at ang karamihan dito ay mga lugar na nabanggit sa mga paglalakbay ni Hesus.

Pagninilay:
                Napakaswerte namin na nagkaroon kami ng oportunidad na makapaglakbay sa Bundok Banahaw. Madami kaming natutunan tungkol sa iba’t-ibang paniniwala sa Banahaw. Nalaman naming ang mga ilang tradisyon ng mga Pilipino noon na hangang ngayon ay nabubuhay pa. Sa paglalakbay namin sa Banahaw ay ipinapakita ang pagkabanal at taas ng pananampalataya ng mga Pilipino. Natuto kaming irespeto ang mga paniniwala ng mga katutubo sa Banahaw. Nalaman namin na may pagkakaparehas ang mga paniniwala ng mga Kristiyano at mga katutubo sa Banahaw. Iba’t-iba man ang mga paniniwala nang mga Pilipino bagkus isa pa rin ang hangarin natin, ang manampalataya kung sino man ang ating Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento