Huwebes, Oktubre 11, 2012

Kasaysayan ng Banahaw



 Kasaysayan ng Banahaw
Ang Mt. Banahaw ay isang dating bulkan sa isla ng Luzon ng Pilipinas. Ito ay may tatlong rurok na nasa gitna ng probinsya ng Laguna at Quezon. 

Ito ang pinakamataas na bundok sa rehiyon ng CALABARZON.
Ito ay sinasabing sagradong bundok at ito ay sikat na destinasyon sa mga rehilyoso at mga manglalakbay. 

Ang Banahaw ay isang pambansang liwasan at protektadong lugar sa Pilipinas mula 1941. Ang tawag dito ngayon ay Mt. Banahaw-Cristobal Protected Landscape na sumasakop sa 10,901 hektarya ng lupa.

Huling pumutok ang Banahaw noong 1730. Sinira nito ang bayan ng Sariaya na nasa baba ng bundok.

Ang bundok Banahaw ay naging sagradong lugar dahil kay Agripino Luntok. Siya ay isang rebelde ng panahon ng kastila kaya nagtago siya sa Banahaw. May isang alamat na sa pagtatago niya sa Banahaw ay may narinig siyang boses. Sinabi nito na gawin niyang banal ang Banahaw. Nagtakda ang boses ng mga pwesto kung saan-saan magdadasal. Sa kabuuan may higit sa 100 ang pwesto sa Banahaw.


May isa pang katauhan na nagtago sa Mt. Banahaw. Siya si Macario Sakay na miyembro ng KKK o katipunan.  Isa siyang malapit na kaibigan ni Emili Aguinaldo. Nagtago siya sa Banahaw sa panahon ng Amerikano dahil hinahap na sila noon. Maraming kasapi si Macario dahil gumawa siya ng isang Republika. Siya and dahilan kung bakit tinawag na “Devil’s Mountain” ang katabing bundok ng Banahaw. Ginamit siya ng ilan niyang kasaping kamukha niya. Nagdamit sila ng puti at nagtago sila sa iba’t-ibang lugar sa Banahaw at San Cristobal. Inakala ng mga Amerikano na multo si Macario kaya tinawag nila itong “Devils Mountain”. Sa kasawiang palad sa isang kundisyon ay nahuli nila si Macario at mga kasama niya. Binitay sila noong  Setyembre 13, 1907.

3 komento: